Ang Lambong na Panakip

A Poem (Isang Tula) 

Ang Lambong na Panakip

Kapatid na babae, buhok ay pahabain,
itirintas ng mabuti, pangalagaan, patibayin:
gaya ng may panaling tatlong ikid,
sa loob ng ating mga pagsasama-sama.
Huwag itong puputulin, sa kasalana’y pantakip,
upang Kaniyang lilimutin at tayo’y patatawarin.
Ang kalooban ng Ama sa Iglesia ay sasagana.
Sa ating pagsunod at pagkakaisa, maririnig Niya,
ang mga panalangin, samo, hiling at daing.
Mga anghel na nagbabantay, sa atin mangatututo.
Sa pagsaksi sa atin, magiging matalimahin,
At sila’y mangaliligtas naman din.
Kapatid na lalaki sumunod din naman,
umiwas na ang ulo ay malambungan,
sa noo’y di makintal, pawang kasinungalinan.
Huwag hahadlangang sumagana ang karunungan
upang ang bayan ay tumalino sa araw-araw.
At lilitaw ang wangis at kaluwalhatian ng Dios
sa Kaniyang Iglesia, at doon tayo ay sasamahan
ng Espiritung banal; Si Kristo Jesus ang pangulo.
Sa lahat ang Ama’y mangingibabaw: sa Kanya, karangalan.

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: