Ang Asong si Bantay
August 28, 2007
Itong si bantay
Wala ngang masilungan
Tirik ang araw
Tali’y mahigpit
Nakagapos sa tabi
Kakawag-kawag
Labas ang dila
Maghapon at magdamag
Tahol ng tahol
Ako’y dumungaw
Hayun pala’y di tao
Ang tinahulan
Pagkain pala
Hindi maabut-abot
At nilalangaw.
Kakakain lang
Wala ‘tong kabusugan
Sobra ngang takaw.
(isang obserbasiyon sa mga pastor na matatakaw)